‘When it rains it pours’

Karaniwang negative­ ang connotation ng kasa­bihang iyan na nagsasabing kadalasan ay bagyo ang dating ng malas kapag sadyang inaalat ang isang tao.

Ang isa pang variant niyan ay “bad luck comes in three”.

Well, para sa may 11,000 stranded OFWs­ sa Saudi Arabia, sunud-sunod ang magagandang­ development para sa kanila.

Fast-track

Una, inutusan ni Pa­ngulong Duterte sina labor at foreign secretaries Silvestre Bello III at Perfecto Yasay na magpunta ng Saudi para personal na makita ang kalagayan ng stranded OFWs.

From that visit, napagdesisyunan ng administrasyon na magbigay ng P20,000 financial assistance sa bawat OFW at P6,000 sa bawat pamilya nila sa Pinas.

In fact, sa nakaraang issue ay ibinalita natin na pina-fast track na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang release ng P20,000 assistance.

Repatriation

Iniutos din ng Pangulo­ ang agarang repatriation ng stranded OFWs. Kung kinakailangan daw na mag-charter ng flight pa­punta ng Saudi para hakutin ang mga OFWs­ ay gawin agad, anang ­Pangulo.

Iba nga naman talaga kapag ang nasa itaa­s ang may kusang palo. Umiikot ang behind ng underlings at ang imposible ay nagiging posible.

Well, isa na namang magandang development ang nangyari para sa mga kababayan natin na nawalan ng trabaho sa Saudi­ dahil sa pagbagsak ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Ito ay matapos na iutos ni Saudi King Salman Bin Abdullaziz Al Saud na i-waive o hindi na pagbayarin pa ang 11,000 strande­d OFWs ng penalty sa kanilang expired working permits.

Penalties waived

Bukod dito, inatasan din ng hari ang Saudi government na i-facilitate ang transfer ng mga OFW sa ilang Saudi companies na may vacancy sa kabila ng recession na dinaranas ngayon sa oil-rich country.

Ang pag-waive sa penalties ng working permit ay napakalaking bagay upang ma-facilitate ang re-hiring ng mga ­OFWs kundi man ang aga­ran nilang repatriation kung hindi ma-absorb ng ibang kumpanya.

Sa August 10 ay tutulak patungong Saudi ang isang team mula sa DFA, DOLE, POEA, OWWA at TESDA para umayuda sa OFWs.

Imagine na kung ilang taon na binalewala ng nakaraang administrasyon ang problema na ito ng stranded OFWs sa Saudi. May pagbabago nga.

Come Follow Me on Twitter @beeslist. And Chime In with your opinions or comments. Kung may pinagsisintir, email lang sa usapang_ofw@yahoo.com or tumawag sa phone number 551-5163.