Nasa bagong yugto ng kasiglahan ang relasyon ng Pilipinas at Tsina, ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Batay sa tagapagsalita ng Palasyo, isang Chinese official ang mismong nagbanggit na nasa direksyon ng pag-uusap, konsultasyon at pagtutulungan tinatahak sa ngayon ng dalawang bansa.

“Philippine-China relations at a new turning point: According to the Chinese Vice Foreign Minister Liu Zhenmin, the two countries may be on track to dialogue, consultation and friendly cooperation,” sabi ni Abella sa press briefing sa Malacañang kahapon.

Kaugnay nito, mu­ling binanggit ni Abella na inatasan na ng Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang Defense at Military establishment ng Pilipinas na pag-aralan ang opsyon na bumili ng military equipment mula sa China o Russia pero ang naturang opsyon ay hindi naman tuluyang isinasara lamang sa dalawang nabanggit na bansa.

One Response

  1. Ibalik at isauli muna ninyo ang ninakaw at dinambong ninyong dagat at lupa namin bago kami makipakooperasyon sa inyo na mga gahaman at hidhid na mga putang ina kagaya ninyo tsina