Kung nagkataon pala, hindi lang si Sen. Leila de Lima ang tinanggalan ng trabaho ni Sen. Manny Pacquiao kundi pati na rin si Senate Sgt. At Arms Jose Balajadia.
Ito’y matapos masangkot si Pacquiao sa illegal recording ng mga kaganapan sa sesyon ng Senado nitong Miyerkules, Setyembre 21. Nagkabit kasi ng GoPro camera ang mga staff ng Top Rank Promotions sa mesa ni Pacquiao para idokumento ang ginagawa nito sa Senado.
Ang documentary ay ipapalabas isang linggo bago ang title fight ni Pacquiao sa Amerikanong si Jessie Vargas sa Las Vegas, Nevada ngayong Nobyembre 5, bagamat nagkakamot pa ng ulo ang mga staff ng Top Rank na bumisita sa Senado kung saan ilalabas ang documentary.
Ang usapan ni Balajadia sa opis ni Pacquiao, walang audio recording na gagawin ang mga staff ng Top Rank kundi video recording lamang, ‘yun bang tipong eksena sa ‘silent movie’ ang dating. Hindi pala nasunod ang kasunduan nang buksan ang audio ng camera.
Mabuti na lang, hinabol ni Balajadia ang mga staff ng Top Rank upang ipabura ang illegal recording ng proceedings sa Senado. Nahagip kasi ng recording ang ‘private conversations’ ni Pacquiao sa mga seatmate niyang sina Sens. Grace Poe at Panfilo Lacson kahit na sabihin pang “Hi” at “Hello” lamang ang naging usapan ni Pacman sa kanyang mga seatmate.
Kung hindi ito napabura ni Balajadia, maaari siyang masibak sa trabaho courtesy ni Pacquiao na siyang nanguna para matanggal si De Lima bilang chairperson ng senate committee on justice and human rights.
***
Kawawa naman itong ama ni Senador Juan Miguel Zubiri matapos isuspinde ng Ombudsman ng anim na buwan dahil sa grave abuse of authority amounting to oppression at paglabag sa Section 5(a) ng Code of Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Kaugnay ito ng hindi pag-aksyon ni Bukidnon Gov. Jose Ma. Zubiri sa clearance at request for leave commutation ng dating provincial assessor Carlos Ycaro noong Enero 2013.
Himutok ni Gov. Zubiri, mali ang sinuspindeng gobernador ng Ombudsman dahil hindi naman siya ang gobernador noong June 30, 2010 hanggang June 30, 2013 kundi si dating Governor Alex Calingasan. Walang authority si Zubiri para pirmahan ang clearance dahil hindi naman siya ang nakaupong gobernador sa nasabing panahon.
“I have never oppressed anybody in my 28 years in public service, or even in my entire life. In fact, you can ask the people of Bukidnon regarding this. On the contrary, I am the defender of the Lumads, the oppressed and the poorest among the poor in my province,” diin ni Gov. Zubiri.
Sinuportahan ni Zubiri sa nakaraang halalan si Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya’t naniniwala ang gobernador na ang mga kalaban niya sa pulitika ang nasa likod ng maling suspensyon sa kanya.
Naghihintay ngayon si Gov. Zubiri sa resulta ng gagawing pagrebyu sa naging order ng Ombudsman upang maituwid ang diumano’y “wow-mali” na suspensyon. Ngunit habang naghihintay ng resulta ng apela, tambay muna ito sa kanilang bahay sa Bukidnon.
“Kawawa si Mommy kapag nasa bahay lang si Daddy,” biro naman ni Sen. Migz.
MABUTI NGA YUNG TANGA AT BOPOL MAY NAIAMBAG SA BANSA…IKAW ANONG GINAWA MO NAGSHABU KA LANG NG NAGSHABU…..KUPALHAR…HAHAHAHA
mag boxing ka na lang bopol
ANU BA YAN SENADOR C MANNY P?GANYAN KATATANGA ANG MGA BOBOTANTE SA PINAS…..MAS TANGA PA KAY PAC MAN!
IDOL EHHHHHHH