THREE years ago ay isinulat ni Rachelle Ann Go sa kanyang journal ang prayers niya.

Ang una sa ipinagdasal niya ay makapag-produce ng sarili niyang album, concert at music vi­deo.

Ang sunod niyang pinanalangin ay mapasama sa Miss Saigon musical at sa Miss Saigon movie.

“At that time, I was laughing at myself because I feel like it’s too much to ask! But then I realized that I should pray for the impossible, pray for big dreams because we have a big GOD.”

“Who would have known that they will be releasing Miss Saigon in cinemas soon?! This is crazy! Praise God!!!” ang sabi ni Rachelle Ann sa isang Instagram post niya two months ago, na biglang naging relevant ulit dahil sa nalalapit na pagpapa­labas ng Miss Saigon sa mga sinehan.

Magkakaroon ng theatrical release ang 25th anniversary performance ng Miss Saigon, na kinunan live with an audience sa Prince Edward Theatre sa London last year.

Ipapalabas ang Miss Saigon: The 25th Anniversary Performance sa mga sinehan sa London for one day only, sa October 16, bago ang DVD release nito.

Ayon sa producer ng hit musical na si Sir Ca­meron Mackintosh, ang orchestra at vocals nito ay kinuha directly sa sound system ng show, na isang take lang at walang overdubs.

At para mas unique ang cinematic at theatrical experience ay nagdagdag sila ng cove­ring shots na isinama sa mo­vie.

Ang cast ng Miss Saigon ay pinangungunahan nina Jon Jon Briones as The Engineer, Eva Nob­lezada as Kim, Alistair Brammer as Chris, Hugh Maynard as John, Tamsin Carroll as Ellen, at Rachelle Ann Go as Gigi.

Idinagdag din dito ang special star-studded finale kung saan sinamahan ang cast sa stage ng original Miss Saigon cast members sa pangunguna nina Jonathan Pryce, Lea Salonga at Simon Bowman.

Tweet ni Shin (palayaw ni Rachelle Ann) nu’ng isang araw, “Se­cond time to watch the 25th anniversary of Miss Saigon on the big screen and I still cried! Can’t wait for you to see it!”

Nag-30th birthday si Shin nu’ng August 31. Kasama niyang nag-ce­lebrate sa London ang close friends niya roon.

Tapos ay nag-break muna siya for a few days mula sa kanyang Fantine role sa West End musical na Les Miserables at nag-birthday vacation siya sa Paris.

Feel na feel ni Shin ang pagka-romantic ng Paris, na sa ganda ng hotel na tinuluyan niya, pakiramdam niya ay nana­naginip siya.

Hindi namin sure kung may kasama siyang ka-date sa kanyang romantic Parisian vacay dahil mag-isa lang palagi si Shin sa mga pic na pinu-post niya sa IG.

Puwede rin naman kasi na meron siyang kasama roon, pero ayaw niya itong makunan ng picture with her.

Ang alam namin ay uuwi ng ‘Pinas si Shin ngayong September para mag-post birthday celebration dito with her fa­mily and friends, na segue na rin sa bakasyon.

Bago siya nag-Pa­ris ay nagliwaliw siya sa Berlin, Germany last month.

Nu’ng birthday dinner ni Shin sa London ay parang ang dami niyang winish bago niya hinipan ang kanyang birthday candle.

Parang lahat ng wini-wish niya at pine-pray niya ay natutupad. Anu-ano kayang winish niya this time?

Kasama kaya roon ang magkaroon na ng lovelife at ang ma­ging part siya ng cast ng Broadway revival ng Miss Saigon next year?

***

Hindi na-bother at all si Maestro Ryan Ca­yabyab sa nag-viral na balita sa social media na sumakabilang-buhay na siya.

Deadma lang si Mr. C dahil buhay siya.

That time ay nagre-rehearse sila ng singing group na binuo niya, ang Ryan Cayabyab Singers, nang lumabas ang ma­ling balita.

Kumalat agad ang nasabing fake news, buti na lang ay mabilis na nag-issue ang daughter ni Mr. C ng paglilinaw that her father is alive and well.

Ang medyo nalerky si Mr. C later on ay ang dami na palang nag-share nu’ng balita sa social media at meron nang mga nagko-condole with his family.

Doon niya na-realize na ganu’n pala talaga kabilis kumalat ang ba­lita pag pinagpasa-pasahan sa social media.

Kahit may ganu’ng false news ay good vibes pa rin si Mr. C at masigla siyang tumugtog para sa grupo niyang RCS na kalalabas lang ng third album na Sa Pana­ginip Lang.