“Inaamin ko, kasalanan ko”

Hindi na dedepensahan ni Vhon Tanto ang kanyang sarili sa korte kaugnay sa nangyaring road rage na naging dahilan para mapatay niya ang siklistang si Mark Vincent Geralde noong Hulyo 25 sa may P. Casal St. Quiapo, Maynila.

“Inamin ko, para bu­maba ang hatol sa akin, may video na naman”, ayon kay Tanto.

Sinabi ni Tanto na kitang-kita naman sa ­video ang mga pangyayari at umaasa siya na dahil sa ginawa niyang pagpa­pakumbaba, paghingi ng tawad, kusang ­pagsuko sa mga awtoridad ay ­ibaba ng korte ang hatol sa kanya.

“Bahala na po, haharapin ko na lang andito na to e,” dagdag ni Tanto.

Si Tanto ay sinampahan ng kasong murder at frustrated murder ng MPD-homicide section dahil sa pagpatay kay Geralde at malubhang pagkakasugat kay Rocell Bondoc.