Laman ng pahayaga­n nitong mga nagdaang araw ang reklamo ng dating jueteng star witness Sandra Cam, na noon pa raw sana niya ibinunyag ang koneksyon ni Sen. Leil­a de Lima sa drug menace sa New Bilibid Prison (NBP) pero tatlong mambabata­s daw ang humadlang sa kanya.

Ang mga mambabatas na ito ay sina Senate Pre­sident Aquilino ‘Koko’ Pimentel, Sen. Franklin Dri­lon at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas na pawang mga miyembro ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Noong isalang daw sa CA ang kumpirmasyon ng appointment ni De Lima bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ), hindi raw siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita sa mga nalalaman niya kay De Lima.

Sa gagawing imbestigasyon ng Kamara sa pag­laganap ng iligal na droga sa NBP sa panahon ni De Lima, sinabi ni Cam na isusumite niya ang kopya ng tape ng CA hearing para mapatunayan ang kanyang mga sinasabi.

Ngunit agad naman siyang sinupalpal ng CA secretary na si Hector Villacorta. “Sandra Cam was gi­ven more than enough time and was not prevented from blocking the confirmation of Sen. Leila de Lima as secretary of Justice before the Commission on Appointments in June 2014, based on the record and transcript of CA deliberations.”

“Ms. Cam was given ample time to expose the alleged illicit drug scheme and shabu factory inside the NBP during her testimony at the 2-hour CA hearing on June 4, 2014. But she did not do so,” diin ni Villacorta.

Aba’y gutom yata si Cam nang magpasabog ito ng bomba dahil sa CA secretary pa lang ay supalpal na siya. Kailangan siguro ay kumain muna siya ng marami sa Senate lounge para magkaroon ng laman ang kanyang mga sinasabi tulad ng dati niyang ginagawa.

Mukhang may nagdidirek sa galaw ngayon ni Cam at nararamdaman ito ng tanggapan ni Pimentel. Mukhang hindi si De Lima ang totoong target ni Cam kundi ang siraan si Pimentel kay Pangulong Rodrigo Duterte. Alam na!

***

Papalitan na raw ng Department of Tourism (DOT) ang slogan na “It’s more fun in the Philippines,” Pag­lalahad ni Secretary Wanda Teo, ilu­lunsad nila ang bagong slogan sa kalagitnaan ng 2017, ilang buwan matapos ang hosting ng Pilipina­s sa Miss Universe sa E­nero 2017.

Noong 2002, “Wow Philippines” ang slogan ng DOT na pinasikat ni Sen. Richard Gordon, dating DOT secretary. Nang umupo naman si PNoy, naging “It’s more fun in the Philippines”. Gusto ni Teo na maging akma sa campaign promise ni Pangulong Rodrigo Duterte na “change is coming” ang magiging slogan ng DOT.

Totoong kailangang pa­litan na ang slogan ng DOT. Hindi na akmang “It’s more fun in the Philippines” bagkus “It’s more dead in the Philippines” dahil higit sa 2,000 katao na ang napapatay kasabay ng kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Paano mahihikayat ng DOT ang mga fo­reign tourist na magtampi­saw sa mga beach resort sa bansa kung nagluluta­ngan naman ang mga patay na tao? Maybe sa tingin ng DOT, mas safe na ngayon ang mga turista.

***

Magdiriwang ng kaara­wan ngayon si Sen. Grace Poe, ang anak ng yumaong hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. at ni Susan Roces. Kahapon ay nasa Pangasinan ang senadora, ang home province ng namayapa niyang ama, upang pangunahan ang feeding program para sa kabataan — isang adbokasiya na isinusulong niya ngayon sa Senado.

Si Sen. Poe ang may akda ng Senate Bill No. 160 para magkaroon ng libreng pananghalian ang mga mag-aaral sa public school. Malaking tulong ito sa mga magulang dahil sa hindi na sila gagastos para sa pam­baon ng kanilang anak.

Muli. Maligayang kaa­rawan sa inyo Senadora Grace Poe!