Hindi magpapaawat si Sen. Leila de Lima sa kanyang paglaban kay Pangulong Rodrigo Duterte na tinawag pa nitong “Poong Duterte” sa kanyang privilege speech kahapon.

“Kapag hindi ka sumamba kay Poong Duterte, ikaw ay adik, dahil adik lang ang hindi­ sumasamba kay Poong Duterte.”

Bahagi ito ng privilege­ kahapon ni Sen. Leila­ de Lima matapos itong ­bumuwelta sa ginawang­ pagpapatalsik sa kanya ng kanyang mga kasamahang senador bilang chairman ng Senate committee on justice and ­human rights.

Ayon sa senadora, naging panakot na ngayon­ na kapag bumabatikos at ­hindi kakampi ng Pangulo­ ay aakusahang adik, pushe­r o coddlers.

Dagdag pa ni De Lima­, hindi niya alam kung kailan matatapos ang lahat ng mga panggigipit sa kanya kabilang ang imbes­tigasyon ng Kamara, ethics complaint, election protest, DOJ prosecution at pang-aatake ng Pangulo.

Tinukoy pa ng senador ang pagpapatalsik­ sa kanya bilang chair ng Committee on Justice on Human Rights bilang b­ahagi pa rin ng pagdurog sa kanya.

“Tatalima ako sa desis­yon ng Senado. Hindi naman dito natatapos ang laban,” ayon pa sa senador.

Aniya pa, ibinoto umano siya ng 14 milyon­g Filipino kaya mahalaga sa kanya ang kanyang posisyon.

“Mahalaga po sa akin ang posisyon na ito, dahil katulad ninyo mga kapwa­ ko senador, pinagsikapan at pinaghirapan ko itong ipagkatiwala sa akin ng mga botanteng Pilipino.

Ginampanan ko lang ang aking tungkulin bilang isang kandidato na humarap sa mga tao ng mga plataporma ng karapatang pantao at hustisya dahil minarapat nila na iboto ako sa pag-asang ang programang iyon ang aking dadalhin dito sa ­Senado,” dagdag pa ni De Lima.

26 Responses

  1. Aba birhing De lima, Napupuno ka ng Grasya
    Lahat ng Payola ay sumasaiyo
    Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
    At pinagpala rin ang iyong driver na si Dayan.

    Santa De lima, Ina ng Druglord
    Ipagtanggol mo silang lahat
    Ngayon at kung sila’y mamatay.
    Amen

  2. ha ha ha sapul mga dutertards..tama nga naman mag comment ka lang ayun sa pananaw mo na kontra automatic..adik, pusher, kriminal.agad sa tingin ng mga duteratrds..nyahahahhaha ouch

  3. Madaam De Lima – I’m hoping you’re clean because you still have my trust believing you’re not a crook. You’re a strong woman but it’s not enough for you to prove your innocence. All fingers are pointing at you now and with just 4 people as allies I believe you’re heading to the worst time of your political career. It’s been proven and seen na kung wala kang enough support to back you up you’re going to lose your case, worst you might go to jail. But just keep on fighting for your rights and be tough facing what’s coming for you next.

    1. Nung time ni Pres, Cory, maraming galit kay Gringo dahil sa pag initiate ng coup d’etat. Nung time ni P. GMA, maraming galit kay Lacson pinpointing him sa Dacer Corbito murder case. But look at them now. Both are respected senators. Even run in higher public position. Although di nag succeed. with Delima’s case, we’ll just have to wait in see….