SILA NA!!!
It’s official! MAG-ON na sina Alden Richards at Maine Mendoza.
Kahapon (September 1, 2016) ay naging opisyal na ang relasyon ng AlDub bilang magkasintahan habang nagse-celebrate sila ng kanilang 59th weeksary bilang magka-loveteam sa kalyeserye ng Eat Bulaga.
Sa wakas ay tinanong na nang diretso ni Alden si Maine ng matagal nang gustong marinig ng sambayanan.
Seryosong tanong ni Tisoy kay Menggay, “Ito ang tanong na matagal ko nang gustong tanungin. Mahal mo ba ako?”
Hindi agad nakasagot si Maine at humingi muna ito ng blessing mula kay Lola Nidora (Wally Bayola), na ang sagot sa kanya ay, ‘Go for it!’
Tanong ulit ni Alden, “Sasagutin mo na ba ang tanong ko? Handa ka na bang maging tayo?”
Nag-Dubsmash muna ang dalawa ng mga kilig songs, tapos ay nagseryoso ulit si Tisoy bago nagtanong ng, “Maine, mahal mo ba ako?”
Patuloy ng binata, “Maine, may mga bagay na dumarating sa buhay ng tao, ‘yung magpapabago ng takbo nito, ‘yung hindi mo inaasahan pero tinatanggap mo, pati pinapahalagahan.
“Aalagaan habang buhay at makakasama sa panghabang panahon…
“Maine, tinatanggap mo ba ako? Mahal mo ba ako, Maine? Mahal kita.”
Ang numero unong taga-push ng dalawa na si Allan K ay napapatiling nagdayalog ng, “Sagot na, Maine! True to life na ‘yan!”
Sundot naman ni Tito Sen, “Dinirekta na!”
Naghawak-kamay ang dalawa, tapos ay nakangiting sumagot si Meng ng, “Oo, Alden, mahal din kita.”
Tumayo si Alden para yakapin si Maine at nagyakap nang mahigpit ang dalawa habang parehong naiiyak sa tuwa.
“Tatandaan ko ‘to, 59th weeksary nu’ng maganap!” tili ng tuwang-tuwa na si Allan K.
Sumabog sa saya at kilig ang lahat ng AlDub fans sa loob ng Broadway studio. Maging ang EB Dabarkads ay ikinatuwa ang live na live na kilig moment na ‘yon ng AlDub/MaiDen.
Nang maupo ang dalawa sa bench habang magkaakbay ay kita sa mukha ni Alden na emotional pa rin ito at parang naluluha, habang si Meng ay panay ang ngiti at nagme-make face pa sa camera.
PAK! INLABEY! GANERN!!
July 16, 2015 nang aksidenteng mabuo ang phenomenal loveteam nina Alden at Maine sa Eat Bulaga.
‘Yung tambalang nagsimula sa kalye at nadebelop sa split-screen, after more than a year ay naging real-life couple na.
From REEL to REAL!
Team Real na rin ang AlDub/MaiDen, hindi na make believe loveteam lang!
Sept 1, 2016 ang official date na naging sila on national television, pero ang feeling ng iba ay matagal nang may relasyon ang dalawa, hindi lang muna nila ito inamin at in-announce sa publiko.
At any rate, kung totoong matagal nang sila o bago pa lang, hindi na isyu ‘yon para sa nagbubunying AlDub Nation, ang mahalaga ay SILA NA!
Congrats, Alden & Maine!!
LOVE LOVE LOVE!!!
makahatak lang ng viewing public kung ano-anong kasinungalingan. parang sila Angelene Quinto at Erick Santos na pilit niloloko ang tao na sila. na alam natin na hindi puwede.
Unti unti nang nalalaos ang dalawang ito. Gimik pa more!
super kilig ako hihimatayin ako……pero bka pang tv lang ito
nakanang poot poot hehehe
Grabe tong dalawang ito..niloloko mga tao..andami na nga nilang nauto, nagkukunwari pang sila na..nakakasawa..!!
NAGSASAWA ka pala edi MAGBIGTI KA NA…BUWAHAHAHA… BILI ka ng AMPALAYA TAPOS IPASAK mo sa WETPU at BIBIG MO NAMO>>>!!!
PUTANG INAMO,, WALA KANG PAKIALAM
Nice Allan, thank you for this!