Isinumite na ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade kay Sen. Grace Poe, chairperson ng senate committee on public services, ang listahan ng mga proyekto para masolusyunan ang problema ng trapik sa Metro Manila. Nakapaloob din dito ang draft bill sa emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakalista rito ang mga proyekto sa Rail Sector tulad ng LRT Line 1 extension patungong Cavite; LRT Line 2 extension patungong Masinag, Antipolo; LRT Line 2 extension patungong Pier 4; konstruksyon ng Line 4 mula sa Taytay, Rizal patungong Pureza; konstruksyon ng Line 5a mula Makati CBD gamit ang ‘existing tunnel’; konstruksyon ng Line 5 — subway na magkokonekta sa existing business districts; konstruksyon ng Line 6 mula Niyog, Cavite patungong Dasmariñas, Cavite; konstruksyon ng Line 7 mula North EDSA patungong San Jose del Monte, Bulacan; at iba pa.
Kung tutuusin, hindi na bago ang mga proyektong ito dahil inaprubahan na ito ng nagdaang administrasyon at gusto lang ipagpatuloy ng Duterte administration. Ongoing na ang konstruksyon ng LRT Line 2 patungong Masinag. Maging sa problema ng MRT-3, sasaluhin lang nila ang sinimulan ni dating secretary Joseph Emilio Abaya — ang bumili ng mga bagong train coaches. Actually, isa-isa nang nagdadatingan ang mga train coaches na siyang makakatulong para mapataas ang bilang ng maisasakay ng bawat biyahe ng tren ng MRT-3.
Noong sa kalagitnaan ng presidential campaign, nasabi ni dating DOTC at DILG Secretary Mar Roxas sa ilang mamahayag sa isang restaurant sa five-star hotel sa Cebu City na masuwerte raw ang susunod ng administrasyon dahil sasaluhin nila ang mga ongoing project. Kumbaga, sila raw ang nagtanim, umani at nagbayo pero iba ang kakain.
***
Isa sa nakakaintrigang panukala ng DOTr ay ang pagsira ng bird sanctuary na matatagpuan sa Las Piñas Parañaque Critical Habitat and Ecotourism Area (LPPCHEA). Ang 175 ektaryang bakawan na siyang paboritong tambayan ng tinatayang 80 bird species ay nanganganib na maglaho sa ilalim ng panukalang emergency power kay Pangulong Duterte.
Pinag-initan ng DOTr ang mga ibon dito dahil sa nakapagdudulot daw ito ng peligro sa paglapag at paglipad ng mga eroplano sa Runway 06 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Isinangkalan pa nila ang IATA at ICAO na siyang pumuna raw sa safety issues na hatid ng mga nagliliparang ibon sa paligid ng runway.
Kung wala raw emergency power si Pangulong Duterte, mapipigil ang plano nilang alisin ang bird sanctuary dahil sa tiyak na aalma raw dito ang city government ng Las Piñas at Parañaque. Ang tanong eh ‘yung mga ibon lang ba talaga ang sagabal sa paglipad at paglapag ng mga eroplano? Paano ang mga naunang report ng CAAP hinggil sa mga condominium na tumutumbok sa flight path at lumagpas sa height limit? Nagtatanong lang po Mr. Secretary
***
Hindi lang ang mga maykaya ang maninirahan sa mga condominium kundi pati na rin ang mga kapuspalad. Ito ang napagkasunduan nina Vice-President Leni Robredo at Sen. JV Ejercito nang magkaroon sila ng talakayan sa hearing ng senate committee on finance na pinamumunuan ni Sen. Loren Legarda.
Nahihirapan na raw kasi ang gobyerno sa paghanap ng lupa para sa socialized housing kung kaya’t napapanahon na ang pagtatayo ng vertical socialized housing, tulad ng condominium, para sa relokasyon ng informal settlers. Bilib si Ejercito kay VP Robredo sa kahandaan nitong makipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs) hinggil sa vertical housing lalo pa’t umaabot sa 5.6 milyon ang housing backlog ngayon.
Kaya naman, hindi na magtataka si Ejercito kung si VP Robredo na rin ang kunin ni Pangulong Duterte bilang kalihim ng lilikhaing Department of Housing.
Tama si Mar Roxas. Puwede siyang magyabang sa bagay na ito na ang bagong administrasyon ang sasalo sa mga projects na naumpisahan nila at ipagpapatuloy na lang ng Duterte Administration, na siya naman talagang nararapat para sa ikagaganda at ikauunlad ng bayan. Pero huwag niyang ipamukha na “sila raw ang nagtanim, umani at nagbayo pero iba ang kakain” dahil responsibilidad nila ang maglinkod sa bayan, at walang katumbas na kabayaran ito. Ngayon, paano ang proliferation of corruption, poverty at illegal drugs na hindi nila tinutukan na ngayon ay sinalo at bininigyang pansin na ng kasalukuyang administrasayon? Ipagyayabang din ba niya to?
Tama, Pareho kayong may tama sa utak ni maru roxashing