Magkakaroon ng malakihang taas presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) na aabot ng P1.50 hanggang P2 per kilogram.
Ayon sa mga oil industry source, ang dagdag presyo ay katumbas ng P22 sa kada 11 kilo ng LPG tank.
Maging ang Department of Energy (DOE) ay nagsabing posible ngang tumaas pa ang presyo ng LPG dahil umakyat ang contract price nito noong Enero at ngayong Pebrero.
Pagpasok pa lang ng 2019 ay umabot na sa P5 ang itinaas sa presyo ng LPG dahil na rin sa fuel excise tax.