Tinatayang P1.5 mil­yon ang halaga ng 16 na sachet ng shabu ang nakuha mula sa dalawang­ notoryus na tulak ng iligal na droga matapos ikasa ng pulisya ang buy-bust operation sa Cainta, Rizal.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang mga suspek na sina Jaban Aliin, 27, ng Sitio Sabutad, Princess Pantinople, 18, pawang taga-Brgy. Muzon, Taytay.

Isinagawa ang operas­yon alas-siyete Sabado nang gabi makaraang makatanggap ng tip ang Cainta Police ukol sa nagaganap na bentahan ng iligal na droga sa Brgy. Sto. Domingo.

Nagpanggap na buyer­ ang isang pulis at umorder ng P2,500 na shabu sa mga suspek. Naganap ang transaksyon sa tapat ng Puregold sa nasabing lugar, at nang iabot na ang iligal na droga, ay dito na dinakma ang dalawa.

Bukod sa iligal na droga, nakuha rin sa mga suspek ang mga drug paraphernalia at isang Mitsubishi Lancer.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Vick Aquino)