Lahat ng operasyon ng minahan sa bansa ay kinakailangang umagap ng prangkisa sa Kongreso.
Ito ang nakapaloob sa substitute bill na inaprubahan ng House committee on natural resources at House committee on legislative franchises.
Pinagsama-sama ang House Bills No. 5674, 6259, 2165, 2915 at 3229 na naglalayong amyendahan ang Republic Act 7942 o “Philippine Mining Act of 1995”.
Pangunahing nag-akda ng panukala si Speaker Pantaleon Alvarez at co-author sina Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, Minority Leader Danilo Suarez, Deputy Speakers Frederick Abueg, Ferdinand Hernandez, Romero Quimbo, Raneo Abu at iba pa.
Alinsunod sa panukala, oobligahin din ang lahat ng contractor na i-rehab ang mininang lugar base sa international standards at mga kasunduan sa mining rehabilitation.
“Failure to rehabilitate shall be penalized by a fine of P100M for each hectare that has not been rehabilitated,” ayon sa panukala.