Umabot sa 1.5 kilo ng shabu na may nagkakahalaga ng P10 milyon ang nakuha mula sa tatlong drug suspek sa San Ildefonso, Malolos sa Bulacan Miyerkoles ng hapon.

Nasamsam ang droga nang ihain ang search warrant laban kay Duane Aquino, 41, sa bahay nito sa E. Viudez St., Brgy. Maasim. Kasama ding nadakip si Kristine Oliveros, 25, live-in partner ng una at si Rey Allan Cruz, 38.

Nabatid pa na kabilang si Aquino sa drug watch list ng San Ildefonso Police at inisyu ang warrant mula sa Regional Trial Court Branch 16, Malolos City, laban sa kanya dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.