₱135M Yolanda, ₱36.9M Marawi donation halos walang bawas – COA

Nasa P10,000 lang umano ang nagamit o nabawas sa nalikom na P36.9 milyong donasyon para sa Marawi siege, ayon sa Commisison Audit sa kanilang 2018 report

Ang nasabing halaga ay ginamit sa pagtulong sa isang pamilya na namatayan sa nangyaring bakbakan sa pagitn ng puwersa ng pamahalan at mga Islamic State fighter.

“Clearly, the donations were not utilized to provide for the much needed support of the Marawi siege victims. The poor utilization of the donated funds defeated the purpose of the donation and that the good intention of the donors for human consideration was not fully served,” sabi ng COA report.

Nilinaw ng COA na hindi nililimitahan sa financial assistance ang pagtulong sa ilalim ng National Disaster Coordinating Council Memorandum Order No. 13 kung saan saan pinayagan ang OCD na magbigay ng P10,000 sa mga pamilya ng namatayan at P5,000 sa mga sugatan.

Marahil ay nahirapan umanao ang mga biktima sa mga requirements kaya’t hindi naapruba­han ang hinihinging tulong.

Samantala, nasa P135 milyong donasyon din sa mga Yolanda victim ang hindi pa lubos na nagamit.

Anim na taon matapos salantahin ng bagyong Yolanda ang Visayas, hindi pa umano nagagamit lahat ng Office of Civil Defense (OCD) ang P135.39 mil­yong natanggap nitong donasyon para sa mga biktima.

Ayon sa Commission on Audit (COA), may natitira pa umanong P40.98 milyon mula sa nabanggit na kabuuang donasyon.