₱150M contract ng pamilya-Calida pinabusisi sa Senado

Naghain na ng reso­lusyon ang minorya sa Senado para busisiin na ang sinasabing conflict of interest sa government contracts na nakuha ng security firm ng pamilya ni Solicitor Ge­neral Jose Calida.

Sa Senate Resolution 760, iginiit nina Senators Risa Hontiveros, Franklin Drilon, Bam Aquino, Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes at Leila de Lima na dapat magsagawa ng pagsisiyasat ang Senate committee on civil service and government reorganization sa P150 milyon na halaga ng kontratang nakuha ng Vigilant Investigative and Security Agency, Inc.

Iginiit sa resolusyon na ang sinumang opisyal ng gobyerno ay hindi na dapat magkaroon ng iba pang employment sa panahon ng kanilang government service.

Binigyang-diin sa re­solusyon na batay sa dokumento, ang naturang security firm ay pag-aari ng immediate family ni Calida at ang 60% shares nito ay sa mismong opisyal.

Iginiit naman ni Hontiveros na mistulang pag-amin na ng kasalanan ang pahayag ni Calida na nakatakda pa lamang nitong alisin ang kanyang sarili sa business interest ng private security company.
n
“A fish is caught by its mouth. By saying that he has not divested himself of his majority shares from a family business that has snared millions of pesos worth of government contracts, Mr. Calida has virtually admitted to allegations of corrupt practi­ces and conflict of interest. Case closed. Game over,” saad ni Hontiveros.