Naglaan ng P150M ang gobyerno para sa rehab at patuloy na pagpapaganda ng isla ng Boracay, ayon kay Buhay Rep. Lito Atienza.
“The fresh funding is a go, even if the government temporarily runs on a reenacted budget next year,” pahayag ng Senior deputy minority leader.
Ang pondo aniya ay ilalaan sa pagtatatag ng Boracay Island Critical Habitat; pagsasaayos ng operasyon ng Boracay Water Quality Management Area; pagkakaroon ng mga landfill at material recovery facility; pagbabantay sa kalidad ng tubig at hangin sa isla; at pagbibigay ng suporta sa mga pagsasaliksik na gagawin kaugnay sa environmental pollution.
Matatandaan na matapos ang anim na buwang rehabilitasyon ay binuksan na sa publiko ang Boracay noong Oktubre 26, 2018.