Ibinunyag ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa kanyang privilege speech noong Miyerkoles na pinayagan ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang public auction ng may isang bilyong pisong halaga ng shabu.
Ang mga droga ay nagmula umano sa Golden Triangle international drug syndicate.
“Let’s assume for a while that we are buying their story. Is the BOC legally allowed to subject prohibited goods to public sale or auction? No matter how they twist their story, the version of the BOC and PDEA of what happened is really very murky,” ani Lacson.
Noong nakaraang linggo inanunsiyo ng PDEA na nakarekober ito ng may 146 kilo ng shabu mula Cambodia sa Goldwin Commercial Warehouse sa Malabon City.
Naiulat na nadiskubre ito ng warehouse worker, na siyang nag-report sa PDEA.
Sinabi ni PDEA chief Aaron Aquino na mula sa Golden Triangle syndicate ang droga. Imbes umanong kumpiskahin agad ang illegal shipment, pinayagan umano ng BOC at PDEA na mai-auction ito para lumutang umano ang mga posibleng miyembro ng sindikato.
Ayon kay Lacson, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs, labag ito sa Customs Modernization and Tariff Act.
“Again, assuming that we believe their ‘controlled delivery’ story—which we of course do not—did Customs and PDEA officials really expect the owners of this shipment to actually participate in the said public auction, knowing fully well that forfeited and seized commodities undergo 100% physical examination prior to disposition?” diin pa ni Lacson.