₱1M premyo sa LGBA derby – Crisostomo

sabong

Larga pa rin ang 2020 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year series second leg sa Pasay City Cockpit sa susunod na Lunes, Marso 16, tampok ang 7-bullstag derby na may premyong P1M.

“Puntirya ng mga kalahok na umabante pa sa COTY series na mga hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000,” ani LGBA president Nick Crisostomo kahapon.

Lamang sina Jeffrey at Aylwyn Sy ng Jam SB Sagupaan Winning Line na may 6.5 puntos nang magkampeon sa first leg noong Pebrero 28.

May 6-1 (panalo-talo) marka sina Mayor Rommel Romano ng RVR GF, Nelson Uy/Dong Chung ng HMG, lawyer Jun Caparroso ng Jungle Wild at may dalawang lahok na sina Jimmy Junsay/Dennis Reyes/Ed Ladores.

Dikit sina Sonny Bello/Rommel Manalo at Carlos Tumpalan (5.5 points), Boy Gamilla, Hector Magpantay, Jimmy Gosiaco, Bok de Jesus, Dok Percy Modomo, Mel Lim, Pinggoy Lagumbay, Pros Antonio at Arnold dela Cruz (5 pts.).

Samantala, bitaw ang RCB Basilan 4-Cock Derby sa PCC sa Biyernes, Mar. 13.
Ang iba pang de­talye ay na kina Erica at Ace na mga makokontak sa 0945-491-7474, 0939-472-4206, 88431746 at 88166750. (Enjel Manato)