Tinatayang aabot sa mahigit na P1 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto ng anim na hinihinalang tumitira ng shabu sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang naarestong sina Bruno Montibon, 36; Joey Evangelista, 37; Alma Sumague, 26; Roger Kalinisan, 40; Irene Legaspi, 29, at Marcelito Gonzaga, 30.
Sa ulat ng Bacoor City Police Station, alas-2:00 nang hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang mga elemento ng Station Drug Enforcement Team (STET) ng Bacoor CPS sa Tambakan Green Valley, Bry. San Nicolas 3, ng naturang Lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek kung saan nasamsam sa mga ito ang P147.5 gramo ng shabu na may street value na P1,003,000 halaga ng hinihinalang shabu at isang kalibre 380 at mga bala.
(Gene Adsuara)