Magpapatupad ng panibagong bawas presyo na P2 kada litro ang mga kompanya ng ­langis na epektibo ngayong Martes.

Sa magkakahiwalay na abiso, inanunsyo ng mga kompanya ng ­langis ang bawas presyo na P2.10 kada litro ng diesel, P2 sa gasolina at P2 kada litro rin sa kerosene.

Ito na ang ikawalong linggo ng bawas presyo sa mga produktong petrolyo dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng krudo sa pandaigdigang pamilihan simula noong Oktubre 15.

Ang pinakamala­king price rollback na ipinatupad ng mga kompanya ng langis ay noong Nobyembre 13 na P2.30 kada litro ng diesel at P2.30 sa gasolina.