Napanalunan ng isang mananaya sa Tondo, Maynila ang mahigit P210 mil­yong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 draw noong Lunes.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tina­yaan ng masuerteng lotto bettor ang winning combination na 02-04-06-08-24-01 na umabot ng P210,795,849.60 ang jackpot prize.

Tinayaan umano ang winning combination sa isang lotto outlet sa Hermosa St., Tondo.