₱22M, bahay para sa Olympic gold winner

₱22M, bahay para sa Olympic gold winner

Inaasahang mag-uuwi ng kabuuang P22M at isang house and lot ang pinakaunang magwawagi ng inaasam na medal­yang gintong medalya ng Pilipinas sa 32nd Summer Oympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Ito ay base sa mga nangako ng insentibo sa natatangi at bubuwenasing atleta na puputol sa matagal na 95 taong pagkauhaw ng bansa quadrennial sports gold medal.

Nakatakda sa batas (Republic Act 10699) na ang magwawagi ng ginto sa Olympics ay tatanggap ng P10M pabuya buhat sa gobyerno sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission.

Hiwalay pa ang pangako ni sports patron Manuel Pangilinan o ng kanyang MVP Sports Foundation kaya aabot sa kabuuang P22M.

Ang house & lot na nasa Tagaytay ay magmumula naman kay Philippine Olympic Committee (POC) President at Cavite 8th Distict Abraham Tolentino. (Lito Oredo)