Aabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu katumbas ng kalahating kilo ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang buy-bust operation sa Casa Bocobo Hotel sa Ermita, Maynila, Miyerkoles ng gabi.

Naaresto rin ang isang suspek na si Kadil Adzmin y Lansa, 27-anyos, residente ng Quezon City.

Nabatid na ang suspek umano ang nagbenta sa poseur-buyer ng PDEA sa loob ng tinutuluyang Room 104 sa Casa Bocobo na matatagpuan sa United Nations Avenue at J. ­Bocobo St., Ermita dakong alas-6:30 ng gabi.

Depensa naman ng suspek na napag-utusan lang siya na magbenta ng shabu at dahil walang trabaho ay pinasok niya ang pagtutulak ng droga. ­