₱30 mula sa Grab ikinatuwa ng mga tsuper

grab

Sinimulan na ng Grab Philippines noong Lunes ang pagbibigay ng dagdag na P30 kada biyahe na subsidiya o tulong para sa mga partner-dri­ver nito upang makasigu­rong may maiu­uwing kita sa harap na rin ng pagkansela ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang two peso per minute charge at sa pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ayon sa Grab Philippines, ang insentibong ibibigay sa kanilang mga Transport Network Vehicle Services (TNVS) dri­ver ay siguradong makakapag-uwi ng P900 kada araw para sa bumibiyahe ng 12 hanggang 14 oras.

Ikinatuwa naman ng mga driver ng Grab ang implementasyon ng sabsidiya na malaking tulong umano sa kanila lalo’t may ilan sa kanilang hanay ang hindi na pumapasada dahil sa lu­ging maghapong biyahe.

Sa panig ng LTFRB, sinabi ni Board Member Aileen Lizada na kanilang imo-monitor ang pagpapatupad ng sabsidiya upang makasiguro na walang overcharging at hindi ito maipapasa sa mga kustomer.