Malamang nagsisintir ang isang fan pagkatapos ng laro ng Milwaukee Bucks at dayong Los Angeles Lakers sa Wisconsin Martes ng gabi.

Nagbayad ng halos $7,000 o P365,000 ang fan para makaupo sa courtside ng Fiserv Forum, pero wala ang inaasahan niyang ‘Battle of the All-Star Captains’.

Injured ang MVP candidate ng Bucks na si Giannis Antetokounmpo (right ankle).

Ipinahinga rin ng Lakers si James dahil nanakit ang injury niya sa singit na nagpaliban sa kanya ng career-high 17 consecutive games mula December hanggang January.

Tweet ni Darren Rovell, sports business reporter ng Action Network:
“$6,970.50: What a fan paid on StubHub, including fees, for two courtside seats tonight for Lakers at Bucks. Both LeBron & Giannis are not playing.” (VE)