Magbibigay ng P38.9 milyon ang embahada ng China bilang donasyon sa mga na­ging biktima ng nangyaring pambobomba sa isang simbahan sa Jolo, Sulu noong Linggo.

Inanunsyo ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kanyang tweet ang pagbibigay ng tulong mula kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua.

Una rito, nagpaabot din ng P1.89 milyon bilang tulong pinansyal ang bansang Hungary sa mga biktima ng pambobomba.

Matatandaan na Linggo nang umaga, nang mangyari ang magkasunod na pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral na kumitil ng 21 buhay at kinasugat ng higit 100.