Nagbigay na ng taning ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa Manila Electric Company (Meralco) ng hanggang Hunyo ngayong taon para maibalik sa mga consumer nito ang higit P4 bilyong refund na iniutos ng Supreme Court noon pang 2002.

Ang nasabing halaga ay nag-ugat sa ipinasang income tax ng naturang utility company na pag-aari ng negosyanteng si Manuel V. Pangilinan.

Sa ulat ng ABS-CBN, higit P30 bil­yon ang kabuuang refund na dapat maibalik sa mga kliyente na sakop mula 1994 hanggang 2003, ngunit sa nasabing ha­laga P25.8 bilyon pa lamang ang nai­babalik at P4.4 bilyon pa ang kailangang bayaran ng Meralco sa mga consumer.

Dahil sa halos 15 taon nang hindi maibigay ang refund, inatasan na ng ERC ang Meralco na tapusin na ang refund hanggang sa Hunyo ngayong taon.

Sa pagtataya, posibleng makatanggap ang bawat isa ng halos P666.