Umabot sa P46.69 bilyong halaga ng iligal na droga ang sinunog at nasira na ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) simula noong taong 2008 hanggang 2018.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, kabilang dito ang kabuuang 19,622 kilo, o 18.29 tonelada ng solidong ilegal na droga, at 6,020.32 litro ng likidong illegal drugs, na sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition.
“These are part of the dangerous drugs that were seized during high-impact anti-drug operations conducted by PDEA combined with those turned over and endorsed with corresponding documentation to PDEA by other partner drug law enforcement agencies and Regional Trial Courts (RTCs) in nearby cities and provinces for destruction,” ani Aquino.
Nabatid na kabilang sa mga sinira ay ang mga methamphetamine hydrochloride o shabu, liquid shabu, marijuana, ephedrine, cocaine, liquid cocaine, diazepam, at ecstasy. (Dolly Cabreza)