Napanalunan ng isang lotto bettor mula sa Novaliches, Quezon City ang P49 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola Biyernes ng gabi.
Ayon sa tala ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natumpak ng masuwerteng mananaya ang winning combination na 29-12-39-42-34-08 na nagkakahalaga ng P49,500,000.
Samantala, mayroon ding tatlong mapalad na mananaya ang nakakuha naman ng limang numero at nanalo ng P204,630.00 bawat isa.
Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Linggo, Martes at Biyernes.