₱500M property ni Sandra Cam pinahalukay sa Ombudsman

Isang pribadong mamamayan ang humiling sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang mga ari-arian ni Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCOO) Board Member Sandra Cam na nagkakahalaga umano ng P500 milyon sa kabuuan.

Sumulat sa Ombudsman si Lino Espinosa Lim Jr., residente ng Masbate, at hiniling na imbestigahan ang mga ari-arian umano ni Cam sa naturang probinsya dahil sa posibleng unexplained wealth ito.

Kabilang diumano sa mga ito ay ang beach resort at convention center, dalawang lupain at lima pang pag-aari ni Cam na nakarehistro sa pangalan nito at ng kanyang mga kapatid.

Ayon sa abogado ni Lim na si Atty. Israelito Torreon, kabilang umano ang kanyang kliyente sa mga may-ari ng mga naturang property.