Magkakaloob ng P50 milyong tulong pinansiyal si Pangulong Rodrigo Duterte sa walong bayan sa Batangas na naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.
Dinalaw ng Pangulo kahapon ang mga evacuation center sa Sto. Tomas para mamigay ng relief food packs sa mga evacuee.
Sinabi ni Senador Bong Go sa mga Malacañang reporter na siyam na mga naapektuhang local government unit ang bibigyan ng Pangulo ng tig-limang milyong piso para may magamit na tulong para sa kani-kanilang naapektuhang constituent.
Kabilang sa mga bibigyan ng tig-limang milyong piso ng Pangulo ay ang Lipa City, Agoncillo, Tanauan, Mabini, Batangas City, San Luis, Sto. Tomas at San Jose habang P10 milyon naman ang ibibigay sa Batangas Provincial Government.
Sa maikling speech ng Pangulo sinabi nito na may pera ang gobyerno para matulungana ng mga nasalanta. Aniya, ‘wag silang mag-alala dahil dadarating ang ayuda mula sa gobyerno. (Aileen Taliping)