Umaabot sa P6.4 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Talisay, Cebu Police sa ikinasang buy-bust ope­ration noong Biyernes ng gabi.

Batay sa report ng Talisay Police, unang naaresto ang isang alyas ‘Judy’ na isa umanong high-­value target na residente ng Barangay Mana­nga, ­Talisay kung saan nakumpiska mula sa suspek ang umaabot sa 300 sachet ng hinihinalang shabu.

Kasunod nito ang pagkakaaresto kay alyas ‘Ronie’ na nakuhanan ng aabot sa 26 gramo ng shabu.

Ayon kay Chief Insp. Ardiolito Cabagnot, deputy chief ng Talisay City Police, kapwa nasa listahan ng drug watchlist ang dalawa hanggang sa mahuli matapos ang isang linggong surveillance.

Samantala, isang alyas ‘Maye’ ang naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Kalunusan, Cebu City.
Umaabot sa P6 milyong halaga ng iligal na ­droga ang nasabat mula sa suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang tatlong suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ­Illegal Drugs Act.