₱605M pinsala ng El Niño sa BARMM

Tinatayang aabot sa P605 milyon ang pinsala sa mga pananim sa dalawang lalawigan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang nasira dahil sa nararanasang El Niño simula Pebrero.

Ito ang inanunsyo noong Biyernes ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform ng rehiyon mula sa datos na nakuha sa Maguindanao at Lanao del Sur, kasabay ng pagbabala na posible pa itong tumaas kapag lumabas na ang resulta ng pagsusuri mula tatlo pang lalawigan.

Ayon sa ulat, 10,818 hektarya ng palayan at 11,039 hektarya ng maisan ang napinsala. Mayroon ding kabuuang 18,423 magsasaka mula sa dalawang lalawigan ang apektado na ng tagtuyot.

Nagpatupad na umano ng hakbang ang ahensya upang masolusyonan ang problema, kabilang dito ang pagtatanim ng mga heat-resistant crop.

Samantala, sinuspende na ng Department of Social Welfare and Development sa Central Visayas ang distribusyon ng mga family food pack dahil sa umiiral na election ban.

Sa datos ng ahensiya, nakamahagi na sila ng aabot sa 29,000 simula noong Enero.