₱665M pondo ‘di nagamit ng Baguio LGU

Mahigit sa kalahating bilyon ng local development fund (LDF) ang hindi nagamit ng Baguio City dahil sa kawalan ng tamang pagpaplano sa mga nakapilang proyekto ng lokal na pamahalaan, ayon sa Commission on Audit (COA).

Ayon sa COA, base sa 2018 annual audit report ay nasa P665.88 milyong proyekto ang nabitin at hindi natuloy dahil sa na-delay na mga preparasyon at work plan.

“The delayed and/or non-implementation of the 297 projects costing P666.277 million within the prescribed period deprived the constituents of the timely enjoyment of additional benefits from the development projects,” sabi pa sa COA.

Natukoy na marami sa mga proyekto na delayed ay dahil sa kawalan ng preparation program, 31 sa mga ito o may katumbas na P110.85 milyon ay nakabinbin sa kasalukuyan. (Yves Briones)