Garantisadong P70 milyon na papremyo, lilipat ang “PFGB Digmaan 11-Stag National Derby” sa Pasay City Cockpit ngayong Huwebes.
Tatlong sultador na may perpektong 11 puntos ang mga kampeon nitong 2018 ‘Digmaan’ na humatak ng halos 6,000 entries.
Mga miyembro naman ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) at ilang guest participant ang kakampanya sa kampeonato sa 3-stag elims ngayon hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.
May ‘Digmaan’ 3-stag elims din sa Lunes, Dec. 2, ani LGBA president Nick Crisostomo.
Naghahanda ang LGBA at 11 pang team sa “Encuentro 5-Stag Derby Part 4” sa Dec. 6 tampok ang 150 sultada.
Bukas, Biyernes, Nob. 29 ang “Frankie and Friends 5-Stag Derby” na susuportahan ng EMB group, PCC pit manager Gerald Go at Jerald Picazo.
Sa detalye: 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 843-1746 at 816-6750. (Enjel Manato)