Sinita ng Commission on Audit (COA) ang ilang local go­vernment unit (LGU) dahil sa pagkabigo nilang gamitin ang P900 milyong grant mula sa Philippine Amusement and Ga­ming Corporation (Pagcor).

Ayon sa 2018 audit report, natengga lamang ang pondo sa siyudad ng Maynila (P393.72 milyon), Cebu (P159.74 milyon) at Pasay (P105.71 milyon) na dapat sana’y pinakikinaba­ngan ng mamamayan ng mga nasabing lungsod.

Kada taon ay namamahagi ang Pagcor ng kanilang kita sa mga LGU upang mapondohan ang kani-kanilang mga proyekto at basic health service upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Pero natuklasan ng COA na sa P1.203 bil­yong ibinigay sa mga LGU, 75% o P903 mil­yon ang hindi ginamit.

Pinagsabihan ng COA ang Pagcor dahil sa kabiguan nilang i-monitor ang pondong ipinagkaloob sa mga LGU kung saan sila nagtayo ng mga casino.
Upang mapakinabangan ng mamamayan ang nasabing pondo, hiniling ng COA sa Pagcor na subaybayan ang paggastos ng mga LGU upang makasiguro na ang mga beneficiary ang makikinabang sa pondo at hindi kung kanino lang. (Yves Briones)