tonite-imo-vinia-vivar

Dahil sa viral video ngayon ng isang high school student from Ateneo University na nang-bully at nanapak ng kapwa estud­yante, pati ang mga celebrity ay nag-react din at nagpahayag ng kani-kanilang komento tungkol sa bullying.

Ilan sa mga nag-react ay sina Sharlene San Pedro, Sofia Andres, Yasmien Kurdi, Michelle Vito at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Si Sofia ay sunod-sunod ang tweets at in-apply din sa kanyang sariling karanasan na nabu-bully rin.“For those bullies out there, the reason why you bully people is just because your (sic) below them and you’re just gonna end up with nothing.“I have experienced being bullied before and it was terrible.

I’m an introvert and they took advantage of that. They feel like they have the power to make you feel humiliated.

Pledge to stand up to stop bullying.“Please help me support #Antibullying they may need your help. Spread the word,” ang post ni Sofia na sa itaas ay may titulong “#Antibullying.”Pinost din niya ang ilang clips na kuha mula sa video ng away na naganap sa mga Ateneo students.

Si Sharlene naman ay hindi maiwasang magpakita ng galit sa kanyang post at aniya, first time raw niyang manggigigil.

“Kung sino man yung student na nambubully sa nagviviral na video eh may kalalagyan. salamat, sa kung sino man nag upload. first time ko manggigil sa buong buhay ko,” tweet ni Sharlene.

Nag-tweet pa siya ulit at aniya, “never tolerate bullying.”Kaaliw naman ang reaksyon ni Yasmien sa Facebook.Si Michelle Vito naman ay nagtweet ng “please stop bullying.”Nagpakita rin ng galit si Regine pero mas concerned siya sa mga nabu-bully at, aniya, dapat daw ay turuan natin ang ating mga anak na luma­ban.“Oh my goodness.

 I think we need to teach our children how to defend them selves.I don’t believe in violence but masama ba kung ipagtangol mo ang sarili mo? Nakaka­galit it #NoToBullying,” tweet ni Songbird.

Makikita nga naman kasi sa viral video na ni hindi nakalaban ang sinapak-sapak na estudyante gayung di hamak na mas malaki siya.Anyway, hindi naman namin masisi ang mga netizen na magalit at manggigil talaga sa estudyanteng bully. Pero hinaw y-hinay lang sana sa pangba-bash dahil he’s just a kid at normal na may mga pagkakamali along the way.

Ang dapat ay i-guide natin siya na nakakatanda at ituro ang tamang daan.Ayon nga sa tweet ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan, “Galit tayo sa isang bully at dapat lang pero sa galit natin ‘binubully’ naman natin siya sa Facebook?

So kung ganun ano ang pinagkaiba natin sa kanya? We should never, never become the monster we seek to defeat.”

Catriona biggest threat ni Miss Australia

Nagbigay na ng pahayag ang representative ng Australia sa katatapos lamang na Miss Universe pageant na si Francesca Hung sa kapwa Aussie girl, our very own Miss Universe 2018, Catriona Gray.Ayon sa live interview kay Miss Australia sa Australian TV show na Morning Show, si Catriona daw ang itinuturing niyang biggest threat sa kanya during the competition.“She’s just like any other Aussie girl,” ang deskripsyon ni Francesca nang tanungin kung paano niya ide-describe offcam si Catriona.

“She grew up in Australia, so she has the same sort of values and ideals. She was born for this role. She is a well brought-up pageant girl, so she is going to be an amazing spokesperson for Miss Universe,” pahayag ni Miss Australia.Si Catriona ay half-Pinay, half-Australian.

Ang tatay niya ay Scottish-born Australian at ipinanganak ang ating bagong Miss U sa North Queensland in Australia. Ang nanay niya ay Pinay mula sa Albay.(