Selyado ng Ginebra at San Miguel Beer ang top two sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.
Sa first game sa Smart Araneta Coliseum kagabi, ibinaon ng Beermen ang GlobalPort 112-101, sinundan ng magaang din na 94-80 panalo ng Gin Kings sa Mahindra.
Twice-to-beat ang Ginebra at SMB sa next round. Dedesisyunan pa bukas ang makakatapat ng No. 1 Gin Kings sa quarters sa pagitan ng Batang Pier at Alaska na parehong tumapos ng 4-7 at magsisipaan para sa No. 8 spot sa Mall of Asia Arena.
Magkakabuhol ang Gins, Beermen at Star sa 9-2, pero napadpad sa No. 3 ang Hotshots dahil sa mas mataas na quotient ng Ginebra at SMB.
Toka na ng SMB ang Phoenix na 4-7 din pero napadpad sa No. 7.
Tinapos ang conference sa 3-8.
“Even though we were up by 14, we didn’t feel like we were playing at a high level,” komento ni Ginebra coach Tim Cone. “But the bottom line was we got the win, we’re moving on and we secured the No. 1 seed.”
Pinangunahan ng 22 points, 10 rebounds at five assists ni Justin Brownlee ang Gin Kings.
Nagdagdag si Japeth Aguilar ng 14 points at nine rebounds, may 13 si Mark Caguioa. ()