Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa parking lot ng isang mall sa Dasmariñas, Cavite ang aabot sa P1.4 milyong hinihinalang shabu sa isang drug courier.

Tatlong linggo umanong dumaan sa surveillance ang suspek na si Arnold Pangan na naging mailap sa mga awtoridad bago mapapayag sa transaksiyon na ikinasa alas-sais Martes ng gabi.

Sa panayam ng Abante kay Pangan, inamin nito na matagal na siyang drug courier at galing umano ang mga shabu sa amo ng kanyang misis, na ngayo’y subject na para sa drug operation, P20,000 umano ang ibinibigay sa kanya sa bawat pagde-deliver niya ng iligal na droga.

Sa kabuuan, narekober sa suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng higit sa 200 gramo at buy-bust.

Walang kaukulang piyansa ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na kinakaharap ng suspek. (Rossel Calderon)