1-araw na lang aprub na permit

1-araw na lang aprub na permit

Simula sa Hulyo 22, isang araw na lang aa­yusin ang business permits sa Manila City Hall.

Ito ay matapos lagdaan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso, ang isang exe­cutive order (EO) na bubuo sa isang ‘one-stop shop’ sa business permits para mapadali ang pagkuha at pagsasaa­yos ng mga permit sa negosyo.

Sa ilalim ng EO No. 8, nilikha ang ‘Business One Stop Shop’ o BOSS para umiksi ang pagpoproseso ng dokumento na dati ay inaabot ng hanggang walong araw hanggang isang buwan dahil sa 11 steps.

Gagawin na lamang umano itong tatlong steps kaya matatapos na sa loob ng isang araw lamang ang business permit.

“This is one way of fulfilling our promise to Manileños that we will promote ease of doing business in the City of Manila,” ayon kay Moreno.

“Dati, maghihintay ka pa ng pagkatagal-tagal bago makuha ang permit.
Minsan, mga walong araw o humigit pa, nga­yon, isang araw na lang makukuha mo na ang permit ninyo,” dagdag ni Moreno.

Nilagdaan ni Moreno ang EO, alinsunod sa Republic Act 11032, kilala bilang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Kasama sa streamlining ang pag-iisyu ng local business licenses, clearances, permits, certification at authorizations, gayundin ang paggalaw ng mga dokumento sa mga departamento at tanggapan.

Ang BOSS ay isang lugar para sa Business Permits and Licensing System (BPLS) ng Local go­vernment unit na tatanggap ng aplikasyon, bayad at nag-iisyu ng inaprubahang lisensiya, clea­rance, permit at authorizations. ( Juliet de Loza-Cudia)

Bukod sa Bureau of Permits at License Division, isinama rin ni Moreno sa one-stop ,ang mga tanggapan ng City Treasury Cash Division, City Planing and Development office (CPDO) Zoning Division, City Engineering/Building Office including its Electrical Division, Manila Health Department, Electronic Data Processing (EDP), at iba pang regulatory Offices.(Juliet de Loza-Cudia)30