1 dosenang tulak sa Bulacan nalambat

Drug pusher na matandang dalaga kalaboso

Umabot sa isang dosenang tulak ng droga ang nadakip ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bulacan PNP makaraang magsagawa sila ng serye ng buy-bust operation sa Bulacan kamakalawa.

Kabilang sa nasakoteng drug pusher ay kinilala ni Police Lt. Col. Victorino Valdez, Plaridel Chief of Police, na si Ramil Carlos y Sebastian alyas ‘Kalbo’, 46, binata, ng Brgy. Banga 1st, Plaridel.

Dakong alas-12:01 ng madaling-araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga DEU operative ng Plaridel PNP sa Brgy. Banga 1st, Plaridel at kanilang nakorner ang suspek na si Carlos na inginungusong siyang pinagmumulan ng droga sa nasabing bayan. Nakumpiska mula dito ang 3 pakete ng shabu at marked money.

Nakorner naman ang 11 pang sangkot sa bentahan ng droga sa bayan ng Calumpit sa overall supervision ni Police Lt. Col. Gerardo Andaya, Calumpit police chief, gayundin sa bayan ng Sta. Maria, San Jose del Monte City, San Ildefonso at Malolos. (Jun Borlongan)