Ang mga night butterflies ay mayroong tainga sa kanilang mga pakpak upang maiwasan ang mga paniking kumakain sa kanila.
***
Ang monarch caterpillars ay nagpapalit ng kanilang balat ng apat na beses bago maging chrysalis, sila rin ay lumalaki ng 2,700 na ulit mula sa kanilang orihinal na sukat.
***
Sa kabuuang bilang ng mga insekto ay kaunti lamang ang nakakapinsala o peste sa mga tao. Karamihan sa kanila ay malaki ang naiaambag na tulong, halimbawa na lang ay ang mga bubuyog na nakakatulong upang mag-pollinate ang mga bulaklak upang ito ay mamunga para tayo ay may makain.
***
Alam n’yo bang ang balang ay nagagawang kumain ng kasing dami ng kanilang timbang.
***
Ang isang bubuyog ay kinakailangang lumipad ng 43,000 milya upang makapag-produce ng isang pound ng honey.
***
Isa sa bawat 1,000 lamok na babae ang nagtataglay ng sakit na maaaring mapanganib sa tao.
***
Tumatagal lamang ng isang buwan ang buhay ng isang langaw.
***
Ang praying mantis ay may kakayahang paikutin ang kanyang ulo.
***
Kinakalabit na parang gitara ng isang lalaking gagamba ang kanilang mga sapot upang akitin ang mga babaeng gagambang kanilang nililigawan.
***
Alam n’yo bang ang mga lalaking kuliglig lamang ang may kakayahang humuni.
***
Ang isang inakay na robin ay may kakayahang kumain ng 14 feet na haba ng bulate araw-araw.
***
Ayon sa pag-aaral, 80 porsiyento ng mga hayop sa earth ay insekto.
***
Isang uri ng insekto na tinatawag na spittlebug ang nangingitlog sa isang pugad na puro laway upang ‘di makain ng mga predator.
***
Ang mga snail ay may kakayahang matulog ng tatlong taon.
***
Ang isang ipis ay kaya pang mabuhay sa loob ng tatlong linggo kahit walang ulo.
***
Ang panlasa ng isang paru-paro ay matatagpuan sa kanyang mga paa.
***
Nabubuhay lang sa loob ng walong oras ang isang mayfly.
***
Mas matapang ang kamandang ng isang black widow ng 15 beses kumpara sa kamandag ng rattle snake.