Isa na namang kaso ng fertilizer scam na kinasasangkutan ng isang dating kongresista ang dinismis ng Sandiganbayan dahil umano sa speedy trial.
Sa resolusyon ni Sandiganbayan First Division chairman Associate Justice Efren dela Cruz na kinatigan nina Associate Justices Geraldine Faith Econg at Bernelito Ferdinandez, tuluyang ibinasura ang kasong graft at malversation of public funds laban kay dating Marinduque Rep. Edmundo Reyes Jr. at iba pang akusado.
“Wherefore, in light of all the foregoing, the instant cases are hereby ordered dismissed for violation of the rights of the accused-movant to speedy disposition of their case,” ayon sa desisyon ng korte.
Nag-ugat ang kaso ni Reyes sa P5 million pondo na natanggap nito para sa kanyang lalawigan mula sa P728 million fertilizer funds kung saan inendorso umano nito ang Gabaymasa Development Foundation Inc., para iimplementa ang proyekto subalit nagkaroon umano ng iregularidad.