Isasagawa ang isa pang krusyal na general assembly ng Philippine Olympic Committee bukas, Huwebes upang muling pag-usapan ang naantalang usapin sa mga miyembrong national sports associations (NSAs) bago ganapin ang napagkasunduang eleksiyon na hindi base sa atas ng Pasig City Regional Trial Court.

Ito ay matapos panatilihin ng liderato ng POC sa extra-ordinary general assembly noong Lunes ang pagkakaroon ng awtonomiya ng pribadong organisasyon sa ilalim ng International Olympic Committee na nag-utos ng re-election sa Biyernes, Pebrero 23.

Gayunman, ang prosesong susundin ay ang nabuo sa asembliya at hindi nakabatay sa PCRTC na nagpapabalik sa mga nadisku­walipikang kandidato noong 2016 na sina Victorico Vargas ng Alliance of Boxing Association in the Philippines at Abraham Tolentino ng Integrated Cycling Federation of the Philippines. (Lito Oredo)