Napatay ang isang pinaghihinalaang drug pusher, habang nasugatan ang isang tauhan ng Manila Police District (MPD)-Police Station 5 at 50 kataong hinihinalang konektado sa paggamit ng iligal na droga ang binibit sa isinagawang ‘One time, Big time anti-drug operation’ kahapon ng hapon sa Port Area, Maynila.
Ayon kay Supt. Albert Barrot, commander ng MPD-Station 5, nanlaban umano sa operasyon ang hindi pa nakikilalang suspek.
Habang nasugatan naman makaraang madaplisan ng bala ng baril sa kamay si PO1 Mark Venson Tan.
Nagresponde rin sa lugar ang mga tauhan ng Explosive Ordinance Division para i-secure ang granada na bitbit ng suspek.
Nabatid na may pin pa ang granada kaya walang pangamba na sumabog.
Layunin ng ginawang operasyon na magsilbi ng mandamyento de aresto o arrest warrant at magsagawa ng Oplan Tokhang sa lugar, pero nanlaban umano ang suspek.
Samantala, may 50 katao rin ang binitbit ng pulisya sa naturang operasyon.