Isa ang patay samantalang walo ang iniulat na sugatan sa patuloy na sagupaan sa Marawi City matapos lusubin at kubkubin ng mga armadong kasapi ng Maute group ang isang government hospital sa nasabing probinsya.
Ito ang kinumpirma ni Armed Forces Chief Eduardo Año sa sagupaang nagsimula bandang alas-2:35 ng hapon kahapon matapos atakihin ng mga bandido ang Amai Pakpak Medical Center.
Kasalukyan din umanong nasusunog ang Marawi City Jail at napakadilim sa lugar dahil sa naputol na supply ng kuryente.
Nasa kontrol naman ng militar ang sitwasyon dahil sa pagdating ng mga kargadagang tropa ng militar sa lugar.