1 patay; nurse, instructor timbog sa droga sa Tacloban

Isa na namang sangkot sa iligal na droga ang nasawi matapos manlaban sa isinagawang buy-bust ope­ration kamakalawa ng gabi sa Tacloban City.

Kinilala ang suspek na si Mario Cabus, residente ng Brgy. 37 Reclamation, Tacloban City.

Matapos makatunog ang suspek, agad itong nagpaputok ng kanyang .38 revolver kaya gumanti rin ng putok ang kapulisan na nagresulta sa agarang pagkakamatay ni Cabus.

Samantala, aabot naman sa lima katao kabilang ang isang nurse, volleyball instructor at nasa Number 8 drug watchlist, ang nahuli sa naturang police ope­ration.