Pinili ng isang drug pusher na magpatay-patayan at upang tuluyang makaligtas sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) at bumangon lamang ito para nagpadala sa pagamutan nang makita na ng miyembro ng media sa lugar kung saan sila ng kanyang kasama ay pinagbabaril, kahapon ng madaling-araw sa may service road ng Roxas Boulevard sa Aldecoa St. Malate, Maynila.

Nakaratay sa Ospital ng Maynila ang suspek na si Francisco Maneja Jr., 28, taga-Ma. Orosa St. Malate, Maynila na nagtamo ng tama ng bala sa magkabilang balikat, kamay at paa.

Namatay ang kasama nito na umano’y drug pusher na si George Huggins, 45, miyembro ng Sputnik gang at taga-1149 Villa San Antonio St. Singalong, Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng hating gabi.

Nagkaroon muna ng buy-bust operation kung saan nagsilbing poseur buyer si PO1 Orlando Gonzales. nang magkatunugan ay lumaban ang mga suspek ng barilan hanggang sa napatay si Huggins .

Nagpatay-patayan naman si Maneja at buma­ngon lang nang may dumating na media sa lugar.