1 patay sa Cabanatuan anti-drug operation

Buwis-buhay ang isang drug perso­nality makaraang mapaengkuwentro sa buy-bust operation ng Cabanatuan City police nitong Martes Santo.

Sa ulat ni Police Lt. Colonel Ponciano Zafra kinilala ang napaslang na si Wilson Reyes Enriquez ng Brgy. Caalibangbangan, Cabanatuan City.

Ala-una nang madaling-araw nang magsagawa ng anti-illegal drugs buy-bust operation sa Brgy. Bitas ang mga elemento ng drug enforcement unit sa ilalim ni Police Captain James Eblahan katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakatunog umano na pulis ang katransaksiyon at nang bumunot ng baril ay naunahan ng mga operatiba at napatay noon din.

Narekober sa napatay ang isang caliber .38 revolver, P500 buy-bust marked money, at walong piraso ng plastic sachet ng hinihinalang shabu at tricycle na may plakang CA 56485. Si Zafra ay kasama sa drugs persona­lity watchlist.

Isa pang big-time drug personality na responsable sa malawakang distribusyon ng iligal na droga ang nasakote ng mga operatiba ng PDEA sa Mabala­city City, Pampanga kamakalawa.

Hindi na pumalag si Edgard Casayuran, 54-anyos, nang posasan ng mga operatiba ng PDEA matapos tanggapin sa isang poseur-buyer ang marked money kapalit ng shabu sa isang buy-bust operation sa harapan ng bahay nito sa Bonifacio St., Daang Bakal, Brgy. Dau, Mabalacat City. (Jojo de Guzman/Rudy Abular)