1 patay sa drug raid sa N.E.

ALIAGA, Nueva Ecija — Dedo ang isang drug personality makaraang manlaban umano sa mga pulis na magsisilbi sa kaniya ng warrant noong Biyernes ng madaling-araw sa Bgy. San Juan sa ba¬≠yang ito.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Manuel Cornel, Nueva Ecija Police Director, nakilala ang napatay na si Rosendo Bernardo Sagun, residente ng naturang lugar, na nakatala bilang number 10 sa Lambat Sibat priority target list.

Nabatid na dakong alas-singko ng madaling-araw dala ng mga elemento ng Aliaga Police ang dalawang­ search warrant na inisyu ni Judge Ana Marie Joson-Viterbo ng Regional Trial Court (RTC) Br. 24, Cabanatuan City kontra kay Sagun.

Noong maisilbi ang warrant ay tumakbo sa silid si Sagun at kinuha ang baril nito at ipinutok umano sa mga pulis.

Subalit nag-jam ang baril na naging dahilan ng mga pulis na gantihan siya ng putok na ikinamatay nito noon din.